News Details

MinSU, nakakuha ng Very Satisfactory rating sa DBM Budget ng Bayan Monitor

MinSU, nakakuha ng Very Satisfactory rating sa DBM Budget ng Bayan Monitor

Nakapagtala ng Very Satisfactory rating ang Mindoro State University (MinSU) sa isinagawang 2024 Agency Performance Review ng Department of Budget and Management (DBM), na kilala rin bilang Budget ng Bayan Monitor.
Admin    Aug. 22, 2025

Nakapagtala ng Very Satisfactory rating ang Mindoro State University (MinSU) sa isinagawang 2024 Agency Performance Review ng Department of Budget and Management (DBM), na kilala rin bilang Budget ng Bayan Monitor.

Sa naturang pagsusuri, nakakuha ang MinSU ng 4.09 percent na marka, na maituturing na isa sa mga positibong resulta mula sa kabuuang 308 national government agencies at state universities and colleges (SUCs) na sinuri para sa FY 2024.

Batay sa inilabas na ulat ng DBM, tanging 4.6 porsyento lamang ng mga ahensya ang nakakuha ng Outstanding rating. Ang pinakamalaking bahagi o 59.3 porsyento (181 offices) ang nakapagtala ng Very Satisfactory rating, kabilang na ang MinSU. Samantala, 94 ahensya o 30.8 porsyento ang tumanggap ng Satisfactory remark. Nasa limang porsyento naman ang nakakuha ng mababang marka, kabilang ang 15 na na-rate bilang Unsatisfactory at isang ahensya na binigyan ng Poor Performance rating.

Ayon sa DBM, ang naging batayan ng marka ay ang maayos na paggamit ng pondo, pagtupad sa target na proyekto, kalidad at oras ng pagsusumite ng ulat, at iba pang performance indicators.

Para sa MinSU, ang resultang ito ay nagsisilbing pagkilala sa patuloy na pagpupunyagi ng pamantasan bilang patunay ng patuloy nitong pagsisikap na maisulong ang transparency, accountability, at kahusayan sa pamamahala ng pondo at pagpapatupad ng mga programa. Layon ng pamantasan na matiyak na ang bawat pondo ng bayan ay nagagamit nang tama para sa kapakinabangan ng mga mag-aaral, kawani, at iba pang stakeholders.

Patuloy na magsusumikap ang unibersidad na mapanatili at higit pang mapabuti ang antas ng pamamahala bilang katuwang ng pamahalaan sa pagsusulong ng edukasyon at pangkaunlaran para sa rehiyon at bansa.

 

#SDG4 #SDG16

chart_icon

302 Staff

chart_icon

10531 Students

chart_icon

9 Colleges

chart_icon

4 Years